Showing posts with label beeroke regulations. Show all posts
Showing posts with label beeroke regulations. Show all posts

20 October 2009

You Raise Me Up: Pang- 8 Bottles


Tunay na nagsimula na ang iyong tama at handa ka na sa mahaba-habang kantahan kapag pinili mo na sa songlist ang “You Raise Me Up” ni Josh Groban.

At ito ay maaari nang kantahin pag-abot ng 8 bottles of beer ayon sa aming mga kainuman.



Video grabbed from mamuro5254.



Digg!

Add to Technorati Favorites

25 September 2009

My Love Will See You Through - 8 Bottles





Ito ay isa sa mga all-time favorites sa videoke. Tunay na Tigas na pang-birit. Karamihan sa kainuman namin ay kakantahin ‘to sa pang-walong bote.

At mas tigas kung gagayahin si Marco Sison sa pagkanta: Walang falsetto. Naka-upo kahit matataas ang nota.

Ang video ay galing dito: http://www.youtube.com/watch?v=wqGcD168yio



Digg!

Add to Technorati Favorites

23 September 2009

Mandy: Pwedeng 6 Bottles, Pwedeng 8 Bottles



Kung ang iyong layunin ay magpa-cute sa chicks, pwede na ito kantahin pagnaka-anim na bote ka na.

Kung ikaw ay napakanta ng “Mandy” dahil tumatama na ang beer sa iyo, nakaka-walong bote ka na.

Ang “Mandy” ni Barry Manilow ay tunay nga namang pa-cute sa chicks at pampainit sa inuman.


Salamat kay WalterUmberto para sa video.

Ang Beeroke Regulations ay ayon sa mga nakasama namin sa videoke. Tignan ang link para mabasa.



Digg!

Add to Technorati Favorites

22 September 2009

I Don't Want to Miss A Thing - 10 Bottles



Karamihan sa aming mga kainuman ay kakantahin ang kanta ng Aerosmith kapag naka- 10 bottles na.

Kung sabagay. may mga birit si Steven Tyler na siguradong mapapa-falsetto at mapapatayo ka sa sarap!

Thanks to lisachii for the video.


Revisions to the Beeroke Regulations

Paniniwala ng Tigas:
  • Hindi maiiwasan ang pagkanta sa inuman (lalo na kung may chicks).
  • Ayon sa Hay!Men, maaring humawak ng mic kung “trabaho lang”.
  • Ang tigas ay hindi kakanta ng hindi umaabot ng 6 bottles (average).
  • Ang tigas ay hindi kailangan magpa-cute dahil hindi siya cute, Tigas siya.

Ang Pag-videoke na ang naiinom ay:

4 Bottles
- Kasuputan
- Pagpapa-cute sa chicks

6 Bottles
- “Pampainit” ng Kantahan Phase
- May Kaunting Pa-cute pa din
- Bawal ang Falsetto
- Kung hindi maiiwasan ang falsetto, “dapat isa hanggang dalawang salita lang ang naka-falsetto; palabasin na pumiyok lang.

8 Bottles
- Tigas!
- Hindi na nagpapacute ngunit tigas sa harap ng lahat!
- Falsetto allowed! (note: not in all parts of the song)

10 Bottles
- Lalong Tumitigas!
- Pwede ng Tumayo habang kumakanta!

12 Bottles
- Tigas kung kaya pa din uminom at kumanta
- Allowed: Falsetto, Pagtayo pati sa Silya!

14 Bottles and Above
- Survivor’s Stage
- Pinakatigas!
- Lahat pwede (chances are wala na halos kasabay uminom dahil warak na o nagsi-uwian na)
- Maaari ng solohin ang videoke!

Read the previous Beeroke Regulations.




Add to Technorati Favorites

18 September 2009

Simply Jessie - Apat na Bote



Hindi lamang mukhang lambutin ang vocalist na si Rex sa video na ito, halatang-halata ang pagpapa-cute niya habang kinakantahan si Jessie. Pero wala siyang paki-alam basta makapang-chicks. Tigas Lang!

Ayan na ang pruweba! Pagnaka-apat ka na, pwede mo kantahin ito. Tigas na Pa-Cute na 'yan! Pero 'wag mo na uli kakantahin sa mga susunod!

Batayan: Beeroke Regulations.

Beeroke – Tigas na Pagkanta sa Inuman

Basehan: light or pilsen

2 Bottles
- Kasuputan

- Mahiya Ka Naman!

4 Bottles
- Pa-cute na Pagkanta
- Kasuputan

6 Bottles
- Pampainit ng Boses
- Bawal ang Falsetto
- Kung hindi maiwasan ang Falsetto, Pwede Basta Onti lang, Pero Mahiya Ka Naman!

8 Bottles
- Pwede na Mag-falsetto

10 Bottles
- Pwede na Tumayo Habang Kumakanta

12 Bottles or More
- Pwede Lahat: Falsetto, Tumayo, Mawala sa Tono



Eto ay resulta ng survey na ginawa ng mga may-akda tuwing inuman sa iba't-ibang grupo.